Ang tagal ko na din na hindi nagsusulat. Nakatamaran na. Walang bagong isusulat. O meron siguro pero hindi pinag-iisipan.
Sabi ko pa mandin na na-miss ko ang notebook ko. Pero ang totoo ying notebook ko ang nakaka-miss sa akin. Ni hindi ko na nga makuhang humawak ng ballpen ngayon. Kung hindi cellphone, computer na ang lagi kong hawak. Yan e kung hindi ako nagta-trabaho.
Nung isang araw sinubukan kong kumuha ng papel at ballpen para magsimulang gumawa ng liham para sa nanay ko. Ang tagal kong tinitigan yung blankong papel at pinaglaruan ang ballpen. Wala akong naisulat.
Sabagay, hindi naman ako makuwentong tao. Ewan ko nga ba kung bakit hanggang ngayon e nagi-ilusyon pa rin akong maging isang writer. Eto nga wala akong maisulat. Sus.
Haaaaay.