Kagabi pa ako isip ng isip kung ano 'yung ointment na may kakaibang amoy na pilit na ipinagagamit sa akin nung bata pa ako sa tuwing may peklat ako. Nakakatanggal daw kasi ng peklat 'yun. Tapos kanina, nagbabasa ako ng column ni Ambeth Ocampo sa INQ7 nung makita ko ang previous article niya tungkol sa mga gamot. Sapul, dun ko naalala ang Katialis. Kasi naman talagang kasama pa sa title ng article niya. Di ko maalala kung effective nga siya. Kasi tiningnan ko katawan ko kanina, meron pa din akong mga peklat. Hindi naman kasi naging issue sa akin ang mga peklat. Proud pa nga ako na meron ako nun. Battle scars ika nga. Dahil sa kakulitan at kalikutan ko nung bata pa ako. Meron ako sa may kaliwang wrist dahil sa kakalambaras sa school grounds. Nasabit sa bakal at nasugatan. Meron din ako sa tuhod dahil sa pag-semplang sa motor at sa pagsadsad sa semento sa kakalaro ng volleyball. Meron sa binti dahil sa maling pagsampa sa motor, na-burn 'yung balat ko sa tambutso.
Meron pang isang popular na ipinapahid na madalas ko ding gamitin nung bata pa ako. Ap-ap solution. Pangtanggal ng an-an. Sobrang hapdi nun pag ipinahid. Sinusunog kasi balat mo. Naghahanap ako ng picture nung bote, natatandaan ko kasi maliit lang 'yun e. Wala akong makita kundi ito, galing sa Kikay website.
Madalas ipahid 'yan ni Tatay noon sa likod ko pagkatapos kong maligo. At pagkatapos na pagkatapos niyang ipahid, diretso na akong sasakay sa bisikleta at patatakbuhin ito ng sobrang bilis para di ko mapansin 'yung hapdi sa balat ko.
Bakit ba kung anu-anong skin treatment itong naiisip ko? Ilang araw ko na kasing iniisip ang sugat at peklat. Kasi basta nagkasugat ka siguradong magkaka-peklat di ba? At iba-iba din ang pagtanggap natin sa peklat. Merong ok lang na andiyan lang ang peklat sa balat nila. Reminder ng mga adventures nila nung bata pa sila o ng mga pangyayaring nagdulot nung sugat. Merong gusto itong itago sa pamamagitan ng mga concealer. Meron naman gusto itong alisin, kaya gumagamit ng mga ointment para mawala ang bakas nito sa balat.
Pero hindi naman porke nawala na ang bakas nito sa balat ibig sabihin noon ay nakalimutan mo na kung bakit ka nasugatan. Minsan kahit na naghilom na ang sugat at di mo na makita ang bakas ng peklat, andun pa din ang sakit. May gamot ba para dun? Siguro. Meron ka bang pwedeng inumin o ipahid para makakagamot nung sakit? Oo. Pero pansamantala lang. Kasi pag puso ang nasugatan at nagkapeklat, sobrang tindi ang sakit na nararamdaman. Walang katialis, ap-ap solution o morphine ang makapagtatanggal nito. Ikaw lang.
Katialis po mabisang gamot din yan sa pimples po pag sobrang dami ng pimples yan po mabisa ginamit ng kapatid ko nawala po talaga
ReplyDeletenkakawala din ba ang katialis sa an an
ReplyDeleteilang days papahiran bago mawala?
DeleteNakakawAla din po b Ang katialis sa an.an at Ang ap ap solution saan po mabibili?
ReplyDeleteSigurado ba
ReplyDeleteAko kasi miron kaso maliliit pa
ReplyDeleteMay sabon pobang para sa an an?
ReplyDeletePwede po ba ang katialis sa baby ko na isang taon at kalahati?my ap ap po kasi siya ngayon sa mukha niya
ReplyDeletePwde po ba Ito sa bby ko na 1 @ 7months old.
ReplyDeleteIlang days po bah para matanggal ang peklat
ReplyDeletenakakagamot ba ang katialis sa an an?
ReplyDelete