Friday, January 27, 2012

Commute


Ganito ang buhay sa Amerika pag wala kang kotse. Kung di ka naglalakad, naghihintay ka ng bus. Pag minalas-malas ka pa yung bus na hinihintay mo hindi dadaan. Mami-miss mo tuloy yung trip na dapat sana e naka schedule. Yung trip na pinlano mo bago ka pa umalis ng bahay.


Tulad ngayon, kanina pa sana ako nakasakay ng bus. Kaso hindi dumating yung bus sa takdang oras kaya naghintay ako ng 1hr and 4mins para sa kasunod na bus. Nakakainis, nakakabadtrip. Pero wala ka namN magagawa. Ang mahal mag-taxi, kulang pa ang sweldo ko isang araw kung sasakay ako ng taxi papunta ng Anaheim. Kaya heto, hintay lang ng hintay habang umiinom ng iced black tea. Buti na lang may malapit na Starbucks, may free wifi tuloy. Kelan kaya darating ang WiMax?


5 minutes. Sana dumating sa oras si Bus 35.

Unlimited Talk, Text and Data

Was just surfing T-Mobile's website and found out that they're offering a new no contract 4G monthly plan for $30 a month. The new plan includes 100 minutes of talk time with unlimited messaging and unlimited data (the first 5GB is at 4G speed).  BUT this is only offered to new subscribers.

The old $30/month plan is still being offered with 1500 of talk/text with 30MB of data.  This is a good move for T-Mobile. I used to have the old plan and oftentimes ran out of data by the 3rd week.  Good for new subscribers, they now have the option to shell out 30 bucks a month for unlimited data.

Since I'm not eligible for that I might as well stick to the $50 unlimited talk, text and web. Or, I can go back to the 1500 talk/text with 30MB of data and use my Globalinx DTA Talk 200 and GSP-10 Softphone for voice and video calls.

If you want to compare the 4G monthly no contract plans, they can be found on this link.

Monday, January 23, 2012

VoIP


Finally got my Globalinx DTA 200 today. I ordered it last Friday was shipped Saturday and delivered this morning via USPS Priority Mail.


Unboxed it and checked the contents - the DTA 200 telephone adapter, an Ethernet cable and a Power Adapter.

It was pretty easy to install. If you have a router just insert the blue Ethernet cable to the blue WAN port of the Telephone Adapter and connect the other end of the Ethernet cable on an available port on the router (usually there are more than 2 ports, you can use any of them). 

Next step is to insert the Power Adapter into the Power Connection and then plug the other end to a wall outlet. Wait for 5 minutes for the DTA (phone adapter) to fully boot up before placing a call.


Connect a standard touch-tone phone to the DTA by inserting the phone cable to the phone 1 port and connect to the other end of the phone cable to the telephone.


When the phone 1 LED status light turns a solid color your Globalinx VoIP phone is ready to use.

Easy. If you want to watch the video just click the tutorial on my previous post.

Friday, January 20, 2012

Gising

...pa din ako kahit madaling araw na dito. Yan ang consequence ng pagtulog ko ng matagal. Paano ba naman pagkatapos kong magising ng alas kuwatro ng umaga kahapon nakatulog ulit ako. Nagising ako after lunch na. Kaya heto, gising pa ako hanggang ngayon.


Nakatapos na ako ng isang module sa 5LINX University. Kesa kasi kung anu-anong sites na naman ang puntahan ko mas mabuti pang mag-aral na lang ako di ba? Madami akong natutunan - info about the company, paano mag-present ng business, paano mag-sort ng red, green at rotten apples, etc. At qualified na din ako na promote to the next position. Kaso hindi pa ako nakakapag-introduce ng dalawang business partner. Yun ang kailangan kong targetin before the month ends. 

Bawal ang balat-sibuyas dito. Pakapalan ng mukha. At mas madalas, 'yun mga taong ini-expect mo na susuporta sa 'yo sila pa mismo ang maglalaglag sa 'yo. Maririnig mo itong mga linyang ito: Pinasok-pasok mo 'yan tapos ngayon iha-hassle mo mga kamag-anak at kaibigan mo para mag-sign up?  Naku, bakit na naglabas ng pera baka mai-scam ka lang! Talk about a warm environment. Susme, hindi lang warm caliente pa! As in mainit! Buti sana kung mainit ang pagtanggap eh, kaso hindi. Mainit ang ulo. Ayayayay! 

But that's the thing. Madaming rejections kang matatanggap. Kailangan maging matatag. Hindi lahat ng nilapitan mo eh oo ang sagot sa 'yo. Mas marami ang sasagot ng hindi. Hindi mo naman sila masisisi. If they don't believe in the business there is no point in getting them involved. Hindi ka aangat, hindi sila magta-trabaho. Walang oportunidad dun. Kaya wag ka na din mag-aksaya ng panahon. Move on to the next person. I-share mo 'yung nakita mong oportunidad, ipakita mo 'yung promise - 'yung potential ba. I was browsing through the Platinum Achievers website a while ago. Hanep, ang pinakabatang Senior VP e Pinoy. 21 years old lang. Sino ba naman ang di mai-inspire nun? Kung kaya niya, kaya ko din! 

Inggitero.

Thursday, January 19, 2012

What's cooking?


Well, a lot of things actually. Not necessarily food but there's a lot of things going on in my mind right now. I got three unexpected calls this afternoon. I got a missed call from London because I overslept. Woke up after lunch but dozed off again for an hour before finally getting up. A slow day for me but I would say a promising one.

I was offered a job which would give me, give or take, 3 grand per month. Thing is, it's a 24/7 job and I don't want to go back into that. I'm keen on making myself my own boss. That's why I declined the offer and talked to the person who referred me. Thanked her for thinking about me but I told her that don't want to go down that road again. Been there, done that and that's enough.

I got another call from my boss asking me to cover a morning shift tomorrow. Of course I turned it down. I don't want to work on my days off. I've dedicated 5 days a week, 2 days on  extra shifts, for work and that's that. When I work I give it my all. So when it's my day off I don't want to be bothered. I never answer my phone when the calling party is someone I know from work. Never. They would just hear my ring back tune Lazy Song by Bruno Mars... don't feel like picking up my phone so leave your message at the tone 'coz today I swear I'm not doing anything. Nothing at all. Cool huh?  If it's really necessary I'd call back. If not, I'll ignore the message and get back to them when I'm on duty. That's how it works now. 

Information overload. That's what I intend to do tomorrow. Got a lot of stuff to learn about the business. Lots of things that I need to know to keep it running and keep me up-to-date on products and services. Got the start-up kit today and watched the DVD. Pretty awesome. Inspirational. And I intend to share it with whoever is interested. 

Are you? 

Tuesday, January 17, 2012

138 at 38

May rhyme ah. Napag-tripan ko lang magtimbang kanina habang nasa trabaho. Nainggit kasi ako sa mga residente ko. Tinimbang ko kasi sila. Routine check every month. Para malaman ko kung napapasobra na ba sila ng kain o di kaya eh dini-dyeta na ng mga taga-kitchen. Hanep, pagtuntong ko ng timbangan parang ayaw tumigil ng mga numero sa paghinto! Ang ending 138 lbs. Wow. Bertdey na bertdey ko sumakto pa ang last 2 digits sa edad ko. Maitaya nga sa lotto ito. Hehehe!

Pili lang ang mga bumati sa akin. Kasi hindi nakalagay sa FB ang bertdey ko. So, sa mga nakaalala maraming salamat. Dalawa lang 'yan e - importante ako kaya niyo ako naalala o di kaya naman sadyang matalas lang ang memory niyo. Mwehehehe!

Bonus na din na may nagbigay ng regalo. At dahil gamit para sa bisikleta, dali-dali kong binuksan at ikinabit kay Huffy ko. Eto siya...




Ngayon, di ko na kailangan bumayad ng $1.00 para magpahangin ng gulong sa tuwing lalambot siya. Ayos! Tenk you, tenk you sa sponsor. 

Kakatuwa naman, pagkatapos akong mura-murahin, duraan at kalmutin sa umaga, kinantahan ako ng matapobre kong alaga ng hapi bertdey bago ako umalis sa trabaho kanina. Kunsweldo de bobo. O sige na nga. Si Pareng Harry  naman na ipinagmamalaki sa asawa, nurse at doctor niya na ako ang kanyang "buddy" wini-wish na sana palagi na lang daw ako naka-duty dahil kahit isa siyang pain in the ass, pinagtitiyagaan ko siya. Palibhasa walang anak na lalaki kaya ako ang napagdidiskitahan. Tingin na ata sa akin ngayon e anak niya ako. Nyaaaay! 

Saka ko na iki-claim ang free drink ko sa SB. Meron din pala akong libreng treat galing sa Panera Bread. Naks! Palibhasa ang hilig mag-register online. Hahahaha!

Pero ito ang PINAKA sa lahat.. ang message ng Misis ko sa wall ko na nagpasaya ng todo sa akin. Sabi niya:


Happy Birthday! Everyday I thank God for you. You're the gift in my life.... Your best years are still ahead of you and I'll be there for every up, down & in between. Happy Birthday!!! ♥♥♥


Saaaaaaraaaaap!

Tablet

Was browsing through my business website a while ago when I stumbled upon a new image in the products section. It's the new 5LINX Velocity Tablet which runs on Android 4.0 Ice Cream Sandwich (it's making me hungry). It's got 8" LCD touch screen, WIFI b/g/n, front and rear cameras for face-to-face chat and video conferencing, a port for HDMI connectivity with a bonus of free leather case and earphones. Who wouldn't want that for $229.99? 

Plus, the GMV app from the Android Market which can normally be downloaded on the Android Market for $4.99 is pre-installed in this device. Can't wait to get my hands on it to tinker and run the app itself. 

Will post soon for more reviews and how-to's.

Friday, January 13, 2012

AMO

Maghapon akong nasa kama. Seriously, hindi ako lumabas ng bahay. Oo, nagluto ako at naglaba. Pero dahil may tamaditis ako nagbabad lang ako sa kama. At dahil dito, ako ang boss  walang nagrereklamo na nakaupo lang ako. Walang nagsasabi ng "Please, help me." Pero pag tinutulungan mo na bigla kang sasabihan ng "You, bum. Sonofabitch." Swerte mo na kung ganun lang ang sinasabi at di ka nakakalmot at naduduraan.  At dahil empleyado ka dun, di ka makapagreklamo. Parte 'yun ng trabaho e. 

Napaisip tuloy ako. Bakit ba tayo nakakulong sa paniniwalang kailangan natin ng trabaho? 'Yung security na every month meron tayong sinusweldo. 'Yung regularity na may inaasahan tayong perang darating. Bakit hindi tayo bold and adventurous na mag-isip na kaya naman nating maging boss ang sarili natin. Pwede tayong maging boss. Pwede tayong mag-business. O sige, ang right term eh entrepreneur. Small business entrepreneur. Pag binalikan mo kasi at ni-review ang edukasyon na kinamulatan natin makikita mong nakundisyon ang isip natin para maging empleyado. Anak, ano ang gusto mo maging paglaki mo? Doktor po. Ay, ako gusto ko maging nurse. Engineer ako! Teacher. Abogado. Astronaut. Superhero. Nakarinig ka na ba ng batang nagsabi na gusto niyang magtayo ng sarili niyang negosyo? 

Hindi ko sinasabing madali ang mag-negosyo. Hindi ko rin sinasabing mali na ipamulat sa mga anak natin na maging propesyunal. Pero kung gusto mong wala kang amo at sarili mo ang oras mo, ang kailangan mo negosyo. Unless ipinanganak kang may gintong kutsara sa bibig mo. Pero tingnan niyo, kahit na ang mayayaman hindi humihinto para madagdagan ang yaman nila di ba? 

Aba, mahirap din na ikaw ang sarili mong amo ha. Magta-trabaho ka at your own pace. At your own time. Pag tamad ka, walang papasok na pera. Pag masipag ka, asahan mong may darating at darating na pera sa 'yo. 

May risk syempre. Kailangan mo ng capital. Ibig sabihin maglalabas ka ng pera. At walang kasiguraduhan kung babalik ito sa 'yo at kikita ten folds. Pero nasa 'yo na 'yun. Diskarte mo na.

Pero ang pinakamaganda sa lahat, meron ka ding oportunidad na makatulong sa iba. So, may guts ka ba na maging dito, ako ang boss

Thursday, January 12, 2012

Porting


Sa pagkakataong ito ipagpaumanhin niyo ang paggamit ko ng Ingles. Napansin niyo siguro na may mga ads na sa gilid ng blog ko. Aba, eh naghahangad lang naman akong kumita kahit konti galing sa pagsusulat dito. Swerte na kung may mag-click sa mga ads na 'yan. Sa mga gustong mag-click, feel free to so at maraming salamat. Pang-laundry ko din 'yan. LOL.

Whenever I feel bored I try to do something to keep my mind off of unnecessary negative thoughts. Things like tinkering with my gadgets - iPhone, BlackBerry, Nokia, Samsung phones. Switching networks via prepaid service. Trying to figure out if something can be done or not out of curiosity. Or simply just for the thrill of doing it. 

In today's case I've been busy thinking about number porting. Back in the Philippines I had this habit of choosing my phone number. I either do it out of luck or via connections. Back in the day when I was still a Globe Platinum member I was able to choose the last 4 digits of my phone number without being charged for it. Same thing when I switched to SUN Cellular.  And I couldn't shake that off of me even if I moved here in the States. I was heartbroken when T-Mobile told me that I couldn't choose a number because it's generated by the system when I signed up for a mobile phone plan. Couldn't do anything about it so I researched and found out about Google Voice. 

The good thing about Google Voice is it's FREE. You can opt to choose a number and use it as your main number for all your phones whether it's your home or mobile number. I've been using for two years now and it works perfectly fine for me. Plus, I get to keep my "vanity" number. I was able to get the last 4 digits that I wanted and am happy about it. 

So, if I'm happy about it why port the number? Well, to tell you honestly I did get several numbers with the same last 4 digits just for fun. Just to test how porting really works I tried porting out of Google Voice. First things first, porting out is not free. They charged me a $3 fee for it. Also, you have to follow certain steps to port it. Go to the unlock site and then sign in to your account. Once you're there click on Unlock my number. A pop up screen will show which would let you confirm that you want the number ported. Once you click on that you will be redirected to Google Wallet for the payment. 

I got some snapshots here:












Once you've done all of this contact your provider tell them that you want to keep your number. Your account number is your Google number. 

For AT&T Go Phone, you have the option to port your number upon checkout. Or, you can call 888.333.6651. It's pretty easy. Takes a few minutes to do the porting. 

For T-Mobile, you can go to the switch/transfer site or call 800.937.8997.

For Globalinx Home Unlimited, they have the porting option when you go to the checkout page. A temporary number will be assigned to you until the porting process is completed.

I've tried it. It works. 

Tamaditis

May sakit akong tamaditis ngayong araw na 'to. 


Pero nagluto ako ng nilagang baka, naghugas ng pinggan at kasangkapan, naglaba at nagtiklop ng damit. Bakit? Kailangan eh. Wala namang ibang gagawa nito kundi ako. Walang housemaids.. it's more fun in the Philippines. May plugging pa ng bagong slogan ng DOT 'no? 

Back to tamaditis. Gusto kong lumabas at mag-shopping. Kaso magastos. Lumabas man ako at magpunta ng mall iiral din naman ang pagkakuripot ko. Magdadalawang-isip na bilhin kung anuman ang magustuhan ko. Kaya dito na lang tayo sa bahay, mag-online shopping kahit walang bibilhin. 

Gusto kong manood ng sine. Pero di ko alam kung ano ang magandang panuorin. Dapat 3 weeks ago ko pa pinanood 'yung MI: Ghost Protocol kaso tinamad din ako. 'Yung The Girl With The Dragon Tattoo parang trip ko din. Kaso nga tinatamad ako. Hintayin ko na lang lumabas sa Red Box. 

Hilata sa kama. Kalikot ng iPod. Idlip. Text. Sakit ng sikmura ko. Kumain naman ako ng agahan. Nakaubos na nga ako ng isang bote ng Nutella. Reformat ng Acer 11.6 netbook na ipapadala sa Pinas. Sino kaya gagamit nito? Ma-installan nga ng anti-virus at siguradong sandamakmak na naman ang masasagap nito pag ginamit ng mga bata. 

*switch computers*

Pag nasanay ka na pala sa mabilis na computer maiinis ka nang gamitin 'yung mabagal. Gusto mo nang ibalibag kapag ang tagal sumunod sa gusto mong gawin. Sus! Binitawan ko nga at naiinis ako. Umiinit ulo ko. 

*shift mood*

May libro pa pala akong di natatapos basahin. Only Time Will Tell ni Jeffrey Archer. Subukan ko ngang hawakan at baka sakaling magamot nito ang tamaditis ko. 


Tuesday, January 10, 2012

Epal o Engot

Kung papipiliin ka mas gugustuhin mo ba ang tawagin kang epal o engot? 

Bunga ito ng topak ko nitong mga nakaraang araw. Ang hirap pala pag may alam ka. At mas mahirap pa lalo na may "dating" ka. Sa ingles, may "bearing" ka. Kahit kasi magpanggap kang engot walang maniniwala sa 'yo. Kasi pag nagsalita ka nangangalingasaw na meron kang alam. Natural na lumalabas. Para sa 'yo kasi sinasagot mo lang naman ang mga tanong na ibinabato sa 'yo. Wala ka naman ibang intensyon kundi sagutin ito. Kasalanan mo ba kung nasasagot mo sila at may sense ang mga sinasabi mo? Mas may sense at kapani-paniwala pa kesa sa bossing mo? 

'Yun ang problema. Ang bossing kasi nagmamarunong. Pumapapel. Kaso kulang naman ang kaalaman. Kaya ang nangyayari tuloy mas kinakausap ka ng pamilya, doktor, nurse, social worker at kung sinu-sino pa. Kahit lumalayo ka sa kanila kasi ayaw mong masapawan ang kinauukulan, sila naman ang humahabol at kumakausap sa 'yo. Haaaaay buhay.  Hindi ka na nga binabayaran sa dagdag na responsibilidad, ikaw pa ang napapasama. 

You know why they depend on you that much? Because you do it. Ako pa ngayon may kasalanan? Anak ng teteng. Pare-parehas lang kami ng posisyon, parehas ng sweldo. Nagkataong may malasakit lang ako kaya ginagawa ko ang trabaho, ako pa masama? Ibang usapan na 'yan. Magpapakatamad na lang ako. Tutal mas gusto naman nila na engot ka kasi di sila threatened. 

Ang hirap pag mula pagkabata responsable ka na. Ang hirap pag may natural kang malasakit sa trahabo mo. Ang hirap pag gusto mong umangat ang kumpanyang pinapasukan mo pero ang kumpanya wala namang pakialam sa 'yo. 

So, epal o engot? 

Sa sitwasyong ito, engot. Ang problema? Walang naniniwala.

Sunday, January 8, 2012

Jailbreak

Pagpuga.

'Yan ang naisip kong translation ng salitang jailbreak sa Filipino. Ewan ko lang kung tama. 

Pero hindi tungkol sa pagtakas sa bilangguan ang topic ko kundi pag-jailbreak and unlock ng iPhone. Successful na ako sa iPhone 3G/3Gs and 4. Pero hindi ko pa nasubukan sa 4s. Ang guru ko sa pagdyi-jailbreak? Si Everything Apple Pro. Sabi niya malapit na ma-complete ang pang-jailbreak sa 4s and iPad 2. Pero kailangan mong i-update sa 5.0.1 ang firmware mo. Gawin mo na ito hanggang di pa sila naglalabas ng bagong update kasi pag lumabas na 'yung bago, wala na. Di mo na mababalikan 'yan. Kung naka-iOS 5 ka na madali lang mag-update. Punta ka sa Settings/General/Software Update and then click on Download and Install. Kung lower than iOS 5 ka naman, kailangan mong pumunta sa iTunes saka mo i-install 'yung bagong update.

So far, eto ang mga links para jailbreaking/unlocking na nagamit ko na at proven naman na successful:




Ok, will update soon for the iPhone 4s.

Friday, January 6, 2012

Satanas ng Salamangkang Gamot

O ha! Kaya mo 'yan? Satanas ng Salamangkang Gamot. Lalim. In English, The Devil's Elixir. Katatapos ko lang kasi basahin ang libro ni Raymond Khoury. Actually, ika-limang libro na niya ito na nabasa ko. Nakuha niya kasi ang atensyon ko sa unang libro pa lang, 'yung The Last Templar. Kaya heto, sa tuwing meron siyang bagong libro siguradong inaabangan ko para basahin. 

Never kong sinubukan mag-drugs. Kahit marijuana di ko nga na-try hanggang sa mag-college ako. Nakakita na ako, oo. Sa kwarto ng tito ko. Isang pakete siya. Mukhang damo. Kakaibang amoy. Curious ako pero not to the point na sinubukan ko. Sabi nila iba-ibang trip daw ang epekto nito. Merong good trip - laughing, food, sleeping. At syempre pa bad trip. Base lang sa kwento ng mga nakakausap ko 'yan. Minsan nga naiisip kong subukan. First hand experience ba. 

Sa kwento ng libro, naikumpara niya 'yung bagong drug na gustong i-develop ni El Brujo sa aspirin at methampethamine. Ang eksaktong phrase pa nga e ganito, "It'll make meth seem as boring as aspirin." Ay susme, wish ko lang nakaka-relate ako sa sinabi niya. Hehehe! 

What if meron ngang isang hallucinogen drug na kaya kang pabalikin sa past life mo? Na parang nire-relive mo siya? Tapos pwede mo na siyang inumin as a pill, 'yung tipong parang aspirin lang na mabibili mo OTC sa pharmacy? It will definitely change your life. Pwedeng positive. Pwede din naman na negative. Pero sabi nga, hindi lahat ng brain ay wired para ma-take ang lakas nung gamot na 'yun. Sa ibang kultura, parte siya ng ritwal. 'Yung mga shaman lang ang may kakayanan na ma-tolerate ang kapangyarihan niya kasi matagal na preparasyon ang ginawa niya. Kumbaga special siya and he was meant to take it. Kaya nga siya naging shaman e. 

Hay naku, kung saan-saan na naman napupunta ang isip ko. Hindi ko naman pinangarap na mag-aral ng pharmacology. Pero sa tuwing nakakabasa ako ng mga ganitong tema, nagkaka-interest ako. 

Sabi na kasing dapat nag-nursing ka na lang e. *voices in my head, shouting out loud*

Oo na nga. It's never too late. Pwede pa naman sigurong humabol di ba?

Thursday, January 5, 2012

Pera

...sa basura. :)


'Yan ang isa sa mga hobby ko dito. Magkolekta ng recyclable materials para pagkaperahan. Itatapon mo rin lang naman siya, bakit di mo pagtiyagaan na i-segregate at dalhin sa recycling center? Nakatulong ka na sa environment, kumita ka pa. Naks!





Wednesday, January 4, 2012

Pagkain

It's not what you eat. It's what's eating you.


Tumatak 'yan sa isip ko nung isang gabi habang nanonood ng Body of Proof. Nagda-diet kasi 'yung isang character dun at sobrang aburido siya kasi nga gutom ang katawan niya. Hindi siya maka-function ng maayos, masungit at bad trip pag may kumakain ng masarap sa harapan niya. Tsk tsk tsk. Bakit ba kasi nagda-diet?

They want to feel good about their self. Siguro dati sobrang fit sila. Athlete. Varsity. Sikat. Nililingon at iniidolo ng mga taong nasa paligid. Kaso, life happens. Tumatanda tayo. Naiiba ang priorities. Magigising na lang isang araw na may bilbil na. Double chin. May mga flaps sa arms. Wala na ang six pack abs na dati-rati ipinangangalandakan ala Taylor Lautner. Biglang madi-depress. Makakaramdam ng inadequacy. May void na nararamdaman. Maiisip tuloy na mag-diet. Dine-deprave ang katawan. Kawawa naman, kay sarap kumain e.

So, 'yung taba ba talaga problema? 'Yung flaps? 'Yung double chin? 'Yung bilbil? O 'yung feeling na hindi ka na sikat? Na di ka na naa-appreciate? Na pakiramdam mo you're not good enough? Sapul. Most of the time 'yan ang dahilan. KSP pala. Ehek! 

It's not a good feeling, mind you. Pag sobrang effort mo na magpapansin kaso wa epek naman sa taong pinagpapakyutan mo. Maiinis pa sa 'yo kasi makulit ka. Pasalamat ka pa at naiinis sa 'yo. Matakot ka pag NR na sa 'yo. Nakow.. ibig sabihin talagang wala ka nang bilang sa kanya. 

Attractive ang mga taong confident sa sarili. It doesn't matter kung may six pack abs siya o naka Brazilian wax. Ika nga, it's the way you carry yourself. Ke mataba ka, maitim, banlag, bansot kung oozing with self confidence ka naman, wiped out lahat 'yan. May certain aura ka na di makikita ng naked eye. Kumbaga sa putok, malayo ka pa lang naamoy na. Umaalingasaw. 

Moral of the story? Kumain. Kumain ng kumain. Kaya ka nga nagta-trabaho para kumain ng masarap e (parang hindi ata ako ang nagsasalita ah). 

Ah basta, it's not what you eat. It's what's eating you. Ano ba problema mo? Lika, pag-usapan natin habang kaharap ang triple chocolate Godiva cake. Hehehe.

Tuesday, January 3, 2012

Tulog

...'yan ang isinigaw sa akin ng katawan ko kanina. Pagdating na pagdating ko sa bahay, nagtatanggal pa lang ako ng scrubs hinihila na ako ng katawan ko papunta sa kama. Syempre nilabanan ko siya. Sabi ko maaga pa. Kailangan mo muna kumain. Maligo ka muna. Aba, lalong nag-rebelde ang lokong katawan ko. Sabi niya, 5 minutes lang. Higa ka sandali. So, pinagbigyan ko. Paglatag na paglatag ng likod ko sa kama naramdaman ko ang pagod. Ayaw na gumalaw ng katawan ko. Nakuuuuu, sabi ko na nga ba e. Hindi pwede ito, sabi ng isip ko. Tayo! Ayaw! Tayo sabi eh! 

Kaya kahit na nagmamaktol ang katawan ko tumayo ito. Bukas ng refrigerator... hanap ng makakain. Kinuha ang braised beef, nilagay sa ibabaw ng kanin at ininit sa microwave. 3 minutes.. hinahatak na naman ako ng kama. Oh tukso, layuan mo ako! Para mawala ang atensyon sa kama pumasok sa banyo, binuksan ang tubig at tinimpla hot + cold + warm. Kinuha ang pang bubble bath at nilagay sa tub habang pinupuno ito ng tubig. Ayos.. sarap nito. 

3 minutes is over. Kain na. Balik sa kama habang dala ang pagkain. Pag wala talaga asawa ko hindi ko nakaugaliang umupo sa dining table. Lagi akong nasa kama lang. Antok. Labanan ang antok. Mag-focus sa pagkain. Sa wakas naubos din. 

Ligo. Kuskos. Hilod. Sosyal naka loofah sponge pa. Baka makatulog ako nito ah. Nakakaidlip na nga habang nakababad sa tub. Aaaahhh.. sarap ng di nagbabayad ng tubig, kuryente at gas. Hahahaha! Swerte ko dito sa apartment na 'to. Kasama na sa renta lahat ng utilities. Wala nga lang internet at cable. 

Pagkatapos magbabad sa tub pinatayo na ako ng katawan ko at gusto na niya talagang humiga sa kama. Pinagbigyan ko na. Wala pang treinta minutos tulog na siya. 

Ganito ba talaga pag tumatanda na? Ambilis na mapagod? O nagrereklamo lang talaga katawan ko kasi hindi siya nakakatulog ng otso oras? Normal na tulog ko na kasi ang apat hanggang anim na oras kapag may trabaho. Kapag off ko naman pasaway ang katawan ko kasi maaga siya nagigising. Sus!

After 2 hours.. ito ang usapan ng isip ko at katawan ko... 

"Masaya ka na?" 
"Oo, thank you ha."
"Good. Magsusulat na ako."
"Ok, pero pwedeng humirit muna?"
"Ano na naman?!"
"Gutom si BJ."
"Haaaay naku!"

Hahahaha!

Monday, January 2, 2012

Mahamog

Yan ang lagay ng panahon habang pauwi ako at pumapadyak dala ang bisikleta ko. Di naman masyadong malamig. Pinawisan pa nga ako e. O siguro adrenalin lang kasi inis ako. Paglabas ko ng gate bumulaga na sa akin ang hamog, o sige na nga fog. Feeling ko tuloy nasa Baguio City lang ako. Naa-associate ko kasi lagi ang fog sa Baguio o Tagaytay. 

Nung bata pa kami, di ko na sinabing maliit pa kami dahil siguradong may magre-react na maliit pa rin naman ako hanggang ngayon. Buset, na-bansot kasi ako. Hindi naman ako natutukan ng matinding ilaw tulad ng kamukha ko daw na si Onin dahil hindi naman ako nag-artista pero ewan ko ba, hindi na ako lumaki e. Naturingan pa mandin akong varsity. 


Balik tayo sa reminiscing, nung bata pa kami dinadala kami ni Dadi sa Baguio City tuwing may conference or meeting sila. Excited na excited ako pag naglo-long drive na, ugali ko pa noon (kahit naman ngayon) na magbasa ng mga signs at tumingin sa dinadaanan.  Noon, di ko tinutulugan ang byahe kasi aliw na aliw ako pag nakikita 'yung mga palayan na kulay green, 'yung mahabang tulay sa may Pampanga, 'yung mga puno sa kahabaan ng MacArthur highway, 'yung zigzag na daan paakyat.  Pinangarap ko nga na mag-drive paakyat e.  Kaso bago ko pa natupad 'yun e dinala na ako ng mga paa ko dito sa Amerika. Pag umuwi na lang ako ng Pilipinas ko gagawin 'yun.  


Memories ulit.  HT. Happy thoughts. Nung teenager naman kami naimbitahan kami ni Balweg na magbakasyon. Sarap nun kasi nagpapaulan kami habang umaakyat ng bundok. Nung nag-college ako tuwing summer nasa Baguio kami para sa initiation ng mga bagong salta sa varsity, laklak maghapon magdamag for a week tops. Sa Baguio din ako dinala ni Misis para i-celebrate ang birthday ko at habang andun kami bumaba ang magandang balita na  naipasa niya ang NCLEX.

Horseback riding, strawberry picking, pine trees, Romana's, strawberry jam, sundot-kulangot, igorot. Ilan lang 'yan sa mga naalala ko  pag nababanggit ang Baguio. Naiisip ko tuloy ngayon ganun pa din kaya kaganda ang Baguio? Malamig pa din kaya? Madami pa rin kayang umaakyat kapag summer? 

Haaay hamog.

Pati utak ko foggy.

Inis.


Sunday, January 1, 2012

Deo

Katatapos ko lang maligo. Syempre pa pagkatapos kuskusin ang mga nakatagong parte ng katawan kailangan itong punusan at tuyuin. Ritwal ito. May mga taong unang tinutuyo ang ulo. Methodical. Mula ulo hanggang paa. O di kaya mula paa hanggang ulo. Kanya-kanyang trip 'yan. Sabi ng ilan, may psychology ding involved kung paano ka nagbabasa at nagtutuyo ng mga parte ng katawan mo. Ano 'yung mga 'yun? Di ko matandaan e. Next time na lang. Hehehe.

Deo. Syet na malagkit. Pagkatapos kong lagyan ng leave on conditioner ang buhok ko para laging wet look nagulantang ako nang matuklasang ubos na pala ang deodorant ko. Patay! Bakit ba nakalimutan ko bumili kagabi. Sabagay, sarado nga pala ang mga tindahan kagabi kasi bisperas ng Bagong Taon. Ok, palusot accepted. Which means kailangan ko bumili ngayon na. E kaso tinatamad ako. So mamaya na lang bago ako pumasok para isang alisan na lang. Hihimurin ko na lang muna ang natitirang laman ng deo ko. Brand? Secret! :D

Rizal Deodorant. Para di ka mag-amoy Indio. 

Naks. Tindi no? Galing 'yan sa Bayaning Third World. Paano kaya kung ako ang gagawa ng sarili kong brand ng deo? Ano kaya maganda? Kung initials ko ang gagamitin ko, ganito ang kalalabasan BO. Ayos ah, body odor. Ano naman kayang catchy na phrase? Ah, ganito kaya.

Uno BO Deo. Gamitin mo. Tanggal ang body odor mo. May recall factor ba? LOL.

At dahil amoy ng kili-kili ang topic, hindi ba kayo curious kung pare-pareho ang amoy ng kili-kili natin kapag hindi natin nilagyan ng deo? May natural scent kasi tayong ini-emit. May scientific test na kaya na nagsasabing unique ang mga scent natin? Kumbaga parang DNA o fingerprint. Unique sa bawat isa. 

Gusto mong i-research? Sige ba. Balitaan mo ko ha. 

Good morning 2012

Yan ang bati ko sa bagong taong ipinanganak kagabi. Sorry at hindi ko na nakuhang mag-post kagabi. Unang araw sa trabaho sulit agad ako. Nothing serious, puro paperwork. End of the month kasi. Ngarag nga lang kasi 'yung usual na ginagawa ko in 8 hours e ginawa ko lang in 4 hours. Oh well, sabi nga ng isa sa mga may pagka-baliw kong pasyente "Anything you can do I can do better" in a sing-song fashion. O ha?!

It's a new dawn. It's a new day. It's a new life. LSS yan. Di original na sa akin. Ad 'yan ng isang pampapayat na program dito sa Isteyts. Hindi ko nga lang matandaan kung ano. Hahaha! Ibig sabihin hindi effective? O baka naman hindi lang tumatak sa utak ko kasi hindi naman siya importante sa akin. Hmmm... imprint. 

Imprinting. Bakit ba tayo napunta dito? Dahil sa salitang tatak. Na-associate ko sa imprint. Kung nagbasa ka ng kahit isa sa mga libro ni Stephanie Meyer sigurado alam mo kung ano 'yan.  Kung di mo naman nabasa at pinanood mo, ok din. Involuntary mechanism daw 'yang pagi-imprint kung saan tatatakan mo 'yung soul mate mo. Si Jacob ang nag-explain kay Bella kung ano ang imprinting at eto ang sabi niya:

"It's not like love at first sight, really. It's more like... gravity moves.... suddenly. It's not the earth holding you here anymore, she does.... You become whatever she needs you to be, whether that's a protector, or a lover, or a friend."

Lakas tama! Magic! Ikaw ba nakapag-imprint na? O ikaw ang na-imprintan? Iiwan ko ang tanong na 'yan para sa 'yo ngayong unang araw ng 2012.

It's the end of the world and we know it. LSS uli. Domino effect ng 2012. Sabi kasi sa Mayan Prophecy. Magugunaw daw ang mundo sa taong ito. May movie pa nga na nagawa based diyan na ang artista e si John Cusack. Naks, may special mention pa. Hindi na importante sa akin kung naniniwala ka diyan o hindi. Paki ko sa 'yo. Bahala ka sa buhay mo. Ang tanong ko lang, kung talagang magugunaw na ang mundo sa taong ito ready ka na ba? 

100 Things To Do Before I Die. Bucket list. Meron ka ba nito? Ako wala eh. Do you think we should start thinking about it? Naks. Kala ko ba bawal mag-ingles? Kawawa naman ang mga gustong magbasa ng blog ko na Ingles lang ang alam na lenggwahe. Hmmmm... kailangan may English version? Hold that thought. Let me know people.

Famous line: My name is Harvey Milk and I am here to recruit you. 

Gagamitin ko din 'yan. I will recruit you. Soon. 

Abangan.