Maghapon akong nasa kama. Seriously, hindi ako lumabas ng bahay. Oo, nagluto ako at naglaba. Pero dahil may tamaditis ako nagbabad lang ako sa kama. At dahil dito, ako ang boss walang nagrereklamo na nakaupo lang ako. Walang nagsasabi ng "Please, help me." Pero pag tinutulungan mo na bigla kang sasabihan ng "You, bum. Sonofabitch." Swerte mo na kung ganun lang ang sinasabi at di ka nakakalmot at naduduraan. At dahil empleyado ka dun, di ka makapagreklamo. Parte 'yun ng trabaho e.
Napaisip tuloy ako. Bakit ba tayo nakakulong sa paniniwalang kailangan natin ng trabaho? 'Yung security na every month meron tayong sinusweldo. 'Yung regularity na may inaasahan tayong perang darating. Bakit hindi tayo bold and adventurous na mag-isip na kaya naman nating maging boss ang sarili natin. Pwede tayong maging boss. Pwede tayong mag-business. O sige, ang right term eh entrepreneur. Small business entrepreneur. Pag binalikan mo kasi at ni-review ang edukasyon na kinamulatan natin makikita mong nakundisyon ang isip natin para maging empleyado. Anak, ano ang gusto mo maging paglaki mo? Doktor po. Ay, ako gusto ko maging nurse. Engineer ako! Teacher. Abogado. Astronaut. Superhero. Nakarinig ka na ba ng batang nagsabi na gusto niyang magtayo ng sarili niyang negosyo?
Hindi ko sinasabing madali ang mag-negosyo. Hindi ko rin sinasabing mali na ipamulat sa mga anak natin na maging propesyunal. Pero kung gusto mong wala kang amo at sarili mo ang oras mo, ang kailangan mo negosyo. Unless ipinanganak kang may gintong kutsara sa bibig mo. Pero tingnan niyo, kahit na ang mayayaman hindi humihinto para madagdagan ang yaman nila di ba?
Aba, mahirap din na ikaw ang sarili mong amo ha. Magta-trabaho ka at your own pace. At your own time. Pag tamad ka, walang papasok na pera. Pag masipag ka, asahan mong may darating at darating na pera sa 'yo.
May risk syempre. Kailangan mo ng capital. Ibig sabihin maglalabas ka ng pera. At walang kasiguraduhan kung babalik ito sa 'yo at kikita ten folds. Pero nasa 'yo na 'yun. Diskarte mo na.
Pero ang pinakamaganda sa lahat, meron ka ding oportunidad na makatulong sa iba. So, may guts ka ba na maging dito, ako ang boss?
No comments:
Post a Comment