Kung papipiliin ka mas gugustuhin mo ba ang tawagin kang epal o engot?
Bunga ito ng topak ko nitong mga nakaraang araw. Ang hirap pala pag may alam ka. At mas mahirap pa lalo na may "dating" ka. Sa ingles, may "bearing" ka. Kahit kasi magpanggap kang engot walang maniniwala sa 'yo. Kasi pag nagsalita ka nangangalingasaw na meron kang alam. Natural na lumalabas. Para sa 'yo kasi sinasagot mo lang naman ang mga tanong na ibinabato sa 'yo. Wala ka naman ibang intensyon kundi sagutin ito. Kasalanan mo ba kung nasasagot mo sila at may sense ang mga sinasabi mo? Mas may sense at kapani-paniwala pa kesa sa bossing mo?
'Yun ang problema. Ang bossing kasi nagmamarunong. Pumapapel. Kaso kulang naman ang kaalaman. Kaya ang nangyayari tuloy mas kinakausap ka ng pamilya, doktor, nurse, social worker at kung sinu-sino pa. Kahit lumalayo ka sa kanila kasi ayaw mong masapawan ang kinauukulan, sila naman ang humahabol at kumakausap sa 'yo. Haaaaay buhay. Hindi ka na nga binabayaran sa dagdag na responsibilidad, ikaw pa ang napapasama.
You know why they depend on you that much? Because you do it. Ako pa ngayon may kasalanan? Anak ng teteng. Pare-parehas lang kami ng posisyon, parehas ng sweldo. Nagkataong may malasakit lang ako kaya ginagawa ko ang trabaho, ako pa masama? Ibang usapan na 'yan. Magpapakatamad na lang ako. Tutal mas gusto naman nila na engot ka kasi di sila threatened.
Ang hirap pag mula pagkabata responsable ka na. Ang hirap pag may natural kang malasakit sa trahabo mo. Ang hirap pag gusto mong umangat ang kumpanyang pinapasukan mo pero ang kumpanya wala namang pakialam sa 'yo.
So, epal o engot?
Sa sitwasyong ito, engot. Ang problema? Walang naniniwala.
No comments:
Post a Comment