Katatapos ko lang maligo. Syempre pa pagkatapos kuskusin ang mga nakatagong parte ng katawan kailangan itong punusan at tuyuin. Ritwal ito. May mga taong unang tinutuyo ang ulo. Methodical. Mula ulo hanggang paa. O di kaya mula paa hanggang ulo. Kanya-kanyang trip 'yan. Sabi ng ilan, may psychology ding involved kung paano ka nagbabasa at nagtutuyo ng mga parte ng katawan mo. Ano 'yung mga 'yun? Di ko matandaan e. Next time na lang. Hehehe.
Deo. Syet na malagkit. Pagkatapos kong lagyan ng leave on conditioner ang buhok ko para laging wet look nagulantang ako nang matuklasang ubos na pala ang deodorant ko. Patay! Bakit ba nakalimutan ko bumili kagabi. Sabagay, sarado nga pala ang mga tindahan kagabi kasi bisperas ng Bagong Taon. Ok, palusot accepted. Which means kailangan ko bumili ngayon na. E kaso tinatamad ako. So mamaya na lang bago ako pumasok para isang alisan na lang. Hihimurin ko na lang muna ang natitirang laman ng deo ko. Brand? Secret! :D
Rizal Deodorant. Para di ka mag-amoy Indio.
Naks. Tindi no? Galing 'yan sa Bayaning Third World. Paano kaya kung ako ang gagawa ng sarili kong brand ng deo? Ano kaya maganda? Kung initials ko ang gagamitin ko, ganito ang kalalabasan BO. Ayos ah, body odor. Ano naman kayang catchy na phrase? Ah, ganito kaya.
Uno BO Deo. Gamitin mo. Tanggal ang body odor mo. May recall factor ba? LOL.
At dahil amoy ng kili-kili ang topic, hindi ba kayo curious kung pare-pareho ang amoy ng kili-kili natin kapag hindi natin nilagyan ng deo? May natural scent kasi tayong ini-emit. May scientific test na kaya na nagsasabing unique ang mga scent natin? Kumbaga parang DNA o fingerprint. Unique sa bawat isa.
Gusto mong i-research? Sige ba. Balitaan mo ko ha.
No comments:
Post a Comment