Tumatak 'yan sa isip ko nung isang gabi habang nanonood ng Body of Proof. Nagda-diet kasi 'yung isang character dun at sobrang aburido siya kasi nga gutom ang katawan niya. Hindi siya maka-function ng maayos, masungit at bad trip pag may kumakain ng masarap sa harapan niya. Tsk tsk tsk. Bakit ba kasi nagda-diet?
They want to feel good about their self. Siguro dati sobrang fit sila. Athlete. Varsity. Sikat. Nililingon at iniidolo ng mga taong nasa paligid. Kaso, life happens. Tumatanda tayo. Naiiba ang priorities. Magigising na lang isang araw na may bilbil na. Double chin. May mga flaps sa arms. Wala na ang six pack abs na dati-rati ipinangangalandakan ala Taylor Lautner. Biglang madi-depress. Makakaramdam ng inadequacy. May void na nararamdaman. Maiisip tuloy na mag-diet. Dine-deprave ang katawan. Kawawa naman, kay sarap kumain e.
So, 'yung taba ba talaga problema? 'Yung flaps? 'Yung double chin? 'Yung bilbil? O 'yung feeling na hindi ka na sikat? Na di ka na naa-appreciate? Na pakiramdam mo you're not good enough? Sapul. Most of the time 'yan ang dahilan. KSP pala. Ehek!
It's not a good feeling, mind you. Pag sobrang effort mo na magpapansin kaso wa epek naman sa taong pinagpapakyutan mo. Maiinis pa sa 'yo kasi makulit ka. Pasalamat ka pa at naiinis sa 'yo. Matakot ka pag NR na sa 'yo. Nakow.. ibig sabihin talagang wala ka nang bilang sa kanya.
Attractive ang mga taong confident sa sarili. It doesn't matter kung may six pack abs siya o naka Brazilian wax. Ika nga, it's the way you carry yourself. Ke mataba ka, maitim, banlag, bansot kung oozing with self confidence ka naman, wiped out lahat 'yan. May certain aura ka na di makikita ng naked eye. Kumbaga sa putok, malayo ka pa lang naamoy na. Umaalingasaw.
Moral of the story? Kumain. Kumain ng kumain. Kaya ka nga nagta-trabaho para kumain ng masarap e (parang hindi ata ako ang nagsasalita ah).
Ah basta, it's not what you eat. It's what's eating you. Ano ba problema mo? Lika, pag-usapan natin habang kaharap ang triple chocolate Godiva cake. Hehehe.
No comments:
Post a Comment