Friday, January 6, 2012

Satanas ng Salamangkang Gamot

O ha! Kaya mo 'yan? Satanas ng Salamangkang Gamot. Lalim. In English, The Devil's Elixir. Katatapos ko lang kasi basahin ang libro ni Raymond Khoury. Actually, ika-limang libro na niya ito na nabasa ko. Nakuha niya kasi ang atensyon ko sa unang libro pa lang, 'yung The Last Templar. Kaya heto, sa tuwing meron siyang bagong libro siguradong inaabangan ko para basahin. 

Never kong sinubukan mag-drugs. Kahit marijuana di ko nga na-try hanggang sa mag-college ako. Nakakita na ako, oo. Sa kwarto ng tito ko. Isang pakete siya. Mukhang damo. Kakaibang amoy. Curious ako pero not to the point na sinubukan ko. Sabi nila iba-ibang trip daw ang epekto nito. Merong good trip - laughing, food, sleeping. At syempre pa bad trip. Base lang sa kwento ng mga nakakausap ko 'yan. Minsan nga naiisip kong subukan. First hand experience ba. 

Sa kwento ng libro, naikumpara niya 'yung bagong drug na gustong i-develop ni El Brujo sa aspirin at methampethamine. Ang eksaktong phrase pa nga e ganito, "It'll make meth seem as boring as aspirin." Ay susme, wish ko lang nakaka-relate ako sa sinabi niya. Hehehe! 

What if meron ngang isang hallucinogen drug na kaya kang pabalikin sa past life mo? Na parang nire-relive mo siya? Tapos pwede mo na siyang inumin as a pill, 'yung tipong parang aspirin lang na mabibili mo OTC sa pharmacy? It will definitely change your life. Pwedeng positive. Pwede din naman na negative. Pero sabi nga, hindi lahat ng brain ay wired para ma-take ang lakas nung gamot na 'yun. Sa ibang kultura, parte siya ng ritwal. 'Yung mga shaman lang ang may kakayanan na ma-tolerate ang kapangyarihan niya kasi matagal na preparasyon ang ginawa niya. Kumbaga special siya and he was meant to take it. Kaya nga siya naging shaman e. 

Hay naku, kung saan-saan na naman napupunta ang isip ko. Hindi ko naman pinangarap na mag-aral ng pharmacology. Pero sa tuwing nakakabasa ako ng mga ganitong tema, nagkaka-interest ako. 

Sabi na kasing dapat nag-nursing ka na lang e. *voices in my head, shouting out loud*

Oo na nga. It's never too late. Pwede pa naman sigurong humabol di ba?

No comments:

Post a Comment