Pero nagluto ako ng nilagang baka, naghugas ng pinggan at kasangkapan, naglaba at nagtiklop ng damit. Bakit? Kailangan eh. Wala namang ibang gagawa nito kundi ako. Walang housemaids.. it's more fun in the Philippines. May plugging pa ng bagong slogan ng DOT 'no?
Back to tamaditis. Gusto kong lumabas at mag-shopping. Kaso magastos. Lumabas man ako at magpunta ng mall iiral din naman ang pagkakuripot ko. Magdadalawang-isip na bilhin kung anuman ang magustuhan ko. Kaya dito na lang tayo sa bahay, mag-online shopping kahit walang bibilhin.
Gusto kong manood ng sine. Pero di ko alam kung ano ang magandang panuorin. Dapat 3 weeks ago ko pa pinanood 'yung MI: Ghost Protocol kaso tinamad din ako. 'Yung The Girl With The Dragon Tattoo parang trip ko din. Kaso nga tinatamad ako. Hintayin ko na lang lumabas sa Red Box.
Hilata sa kama. Kalikot ng iPod. Idlip. Text. Sakit ng sikmura ko. Kumain naman ako ng agahan. Nakaubos na nga ako ng isang bote ng Nutella. Reformat ng Acer 11.6 netbook na ipapadala sa Pinas. Sino kaya gagamit nito? Ma-installan nga ng anti-virus at siguradong sandamakmak na naman ang masasagap nito pag ginamit ng mga bata.
*switch computers*
Pag nasanay ka na pala sa mabilis na computer maiinis ka nang gamitin 'yung mabagal. Gusto mo nang ibalibag kapag ang tagal sumunod sa gusto mong gawin. Sus! Binitawan ko nga at naiinis ako. Umiinit ulo ko.
*shift mood*
May libro pa pala akong di natatapos basahin. Only Time Will Tell ni Jeffrey Archer. Subukan ko ngang hawakan at baka sakaling magamot nito ang tamaditis ko.
No comments:
Post a Comment