...pa din ako kahit madaling araw na dito. Yan ang consequence ng pagtulog ko ng matagal. Paano ba naman pagkatapos kong magising ng alas kuwatro ng umaga kahapon nakatulog ulit ako. Nagising ako after lunch na. Kaya heto, gising pa ako hanggang ngayon.
Nakatapos na ako ng isang module sa 5LINX University. Kesa kasi kung anu-anong sites na naman ang puntahan ko mas mabuti pang mag-aral na lang ako di ba? Madami akong natutunan - info about the company, paano mag-present ng business, paano mag-sort ng red, green at rotten apples, etc. At qualified na din ako na promote to the next position. Kaso hindi pa ako nakakapag-introduce ng dalawang business partner. Yun ang kailangan kong targetin before the month ends.
Bawal ang balat-sibuyas dito. Pakapalan ng mukha. At mas madalas, 'yun mga taong ini-expect mo na susuporta sa 'yo sila pa mismo ang maglalaglag sa 'yo. Maririnig mo itong mga linyang ito: Pinasok-pasok mo 'yan tapos ngayon iha-hassle mo mga kamag-anak at kaibigan mo para mag-sign up? Naku, bakit na naglabas ng pera baka mai-scam ka lang! Talk about a warm environment. Susme, hindi lang warm caliente pa! As in mainit! Buti sana kung mainit ang pagtanggap eh, kaso hindi. Mainit ang ulo. Ayayayay!
But that's the thing. Madaming rejections kang matatanggap. Kailangan maging matatag. Hindi lahat ng nilapitan mo eh oo ang sagot sa 'yo. Mas marami ang sasagot ng hindi. Hindi mo naman sila masisisi. If they don't believe in the business there is no point in getting them involved. Hindi ka aangat, hindi sila magta-trabaho. Walang oportunidad dun. Kaya wag ka na din mag-aksaya ng panahon. Move on to the next person. I-share mo 'yung nakita mong oportunidad, ipakita mo 'yung promise - 'yung potential ba. I was browsing through the Platinum Achievers website a while ago. Hanep, ang pinakabatang Senior VP e Pinoy. 21 years old lang. Sino ba naman ang di mai-inspire nun? Kung kaya niya, kaya ko din!
Inggitero.
No comments:
Post a Comment