Monday, January 2, 2012

Mahamog

Yan ang lagay ng panahon habang pauwi ako at pumapadyak dala ang bisikleta ko. Di naman masyadong malamig. Pinawisan pa nga ako e. O siguro adrenalin lang kasi inis ako. Paglabas ko ng gate bumulaga na sa akin ang hamog, o sige na nga fog. Feeling ko tuloy nasa Baguio City lang ako. Naa-associate ko kasi lagi ang fog sa Baguio o Tagaytay. 

Nung bata pa kami, di ko na sinabing maliit pa kami dahil siguradong may magre-react na maliit pa rin naman ako hanggang ngayon. Buset, na-bansot kasi ako. Hindi naman ako natutukan ng matinding ilaw tulad ng kamukha ko daw na si Onin dahil hindi naman ako nag-artista pero ewan ko ba, hindi na ako lumaki e. Naturingan pa mandin akong varsity. 


Balik tayo sa reminiscing, nung bata pa kami dinadala kami ni Dadi sa Baguio City tuwing may conference or meeting sila. Excited na excited ako pag naglo-long drive na, ugali ko pa noon (kahit naman ngayon) na magbasa ng mga signs at tumingin sa dinadaanan.  Noon, di ko tinutulugan ang byahe kasi aliw na aliw ako pag nakikita 'yung mga palayan na kulay green, 'yung mahabang tulay sa may Pampanga, 'yung mga puno sa kahabaan ng MacArthur highway, 'yung zigzag na daan paakyat.  Pinangarap ko nga na mag-drive paakyat e.  Kaso bago ko pa natupad 'yun e dinala na ako ng mga paa ko dito sa Amerika. Pag umuwi na lang ako ng Pilipinas ko gagawin 'yun.  


Memories ulit.  HT. Happy thoughts. Nung teenager naman kami naimbitahan kami ni Balweg na magbakasyon. Sarap nun kasi nagpapaulan kami habang umaakyat ng bundok. Nung nag-college ako tuwing summer nasa Baguio kami para sa initiation ng mga bagong salta sa varsity, laklak maghapon magdamag for a week tops. Sa Baguio din ako dinala ni Misis para i-celebrate ang birthday ko at habang andun kami bumaba ang magandang balita na  naipasa niya ang NCLEX.

Horseback riding, strawberry picking, pine trees, Romana's, strawberry jam, sundot-kulangot, igorot. Ilan lang 'yan sa mga naalala ko  pag nababanggit ang Baguio. Naiisip ko tuloy ngayon ganun pa din kaya kaganda ang Baguio? Malamig pa din kaya? Madami pa rin kayang umaakyat kapag summer? 

Haaay hamog.

Pati utak ko foggy.

Inis.


No comments:

Post a Comment