...'yan ang isinigaw sa akin ng katawan ko kanina. Pagdating na pagdating ko sa bahay, nagtatanggal pa lang ako ng scrubs hinihila na ako ng katawan ko papunta sa kama. Syempre nilabanan ko siya. Sabi ko maaga pa. Kailangan mo muna kumain. Maligo ka muna. Aba, lalong nag-rebelde ang lokong katawan ko. Sabi niya, 5 minutes lang. Higa ka sandali. So, pinagbigyan ko. Paglatag na paglatag ng likod ko sa kama naramdaman ko ang pagod. Ayaw na gumalaw ng katawan ko. Nakuuuuu, sabi ko na nga ba e. Hindi pwede ito, sabi ng isip ko. Tayo! Ayaw! Tayo sabi eh!
Kaya kahit na nagmamaktol ang katawan ko tumayo ito. Bukas ng refrigerator... hanap ng makakain. Kinuha ang braised beef, nilagay sa ibabaw ng kanin at ininit sa microwave. 3 minutes.. hinahatak na naman ako ng kama. Oh tukso, layuan mo ako! Para mawala ang atensyon sa kama pumasok sa banyo, binuksan ang tubig at tinimpla hot + cold + warm. Kinuha ang pang bubble bath at nilagay sa tub habang pinupuno ito ng tubig. Ayos.. sarap nito.
3 minutes is over. Kain na. Balik sa kama habang dala ang pagkain. Pag wala talaga asawa ko hindi ko nakaugaliang umupo sa dining table. Lagi akong nasa kama lang. Antok. Labanan ang antok. Mag-focus sa pagkain. Sa wakas naubos din.
Ligo. Kuskos. Hilod. Sosyal naka loofah sponge pa. Baka makatulog ako nito ah. Nakakaidlip na nga habang nakababad sa tub. Aaaahhh.. sarap ng di nagbabayad ng tubig, kuryente at gas. Hahahaha! Swerte ko dito sa apartment na 'to. Kasama na sa renta lahat ng utilities. Wala nga lang internet at cable.
Pagkatapos magbabad sa tub pinatayo na ako ng katawan ko at gusto na niya talagang humiga sa kama. Pinagbigyan ko na. Wala pang treinta minutos tulog na siya.
Ganito ba talaga pag tumatanda na? Ambilis na mapagod? O nagrereklamo lang talaga katawan ko kasi hindi siya nakakatulog ng otso oras? Normal na tulog ko na kasi ang apat hanggang anim na oras kapag may trabaho. Kapag off ko naman pasaway ang katawan ko kasi maaga siya nagigising. Sus!
After 2 hours.. ito ang usapan ng isip ko at katawan ko...
"Masaya ka na?"
"Oo, thank you ha."
"Good. Magsusulat na ako."
"Ok, pero pwedeng humirit muna?"
"Ano na naman?!"
"Gutom si BJ."
"Haaaay naku!"
Hahahaha!
No comments:
Post a Comment