Yan ang bati ko sa bagong taong ipinanganak kagabi. Sorry at hindi ko na nakuhang mag-post kagabi. Unang araw sa trabaho sulit agad ako. Nothing serious, puro paperwork. End of the month kasi. Ngarag nga lang kasi 'yung usual na ginagawa ko in 8 hours e ginawa ko lang in 4 hours. Oh well, sabi nga ng isa sa mga may pagka-baliw kong pasyente "Anything you can do I can do better" in a sing-song fashion. O ha?!
It's a new dawn. It's a new day. It's a new life. LSS yan. Di original na sa akin. Ad 'yan ng isang pampapayat na program dito sa Isteyts. Hindi ko nga lang matandaan kung ano. Hahaha! Ibig sabihin hindi effective? O baka naman hindi lang tumatak sa utak ko kasi hindi naman siya importante sa akin. Hmmm... imprint.
Imprinting. Bakit ba tayo napunta dito? Dahil sa salitang tatak. Na-associate ko sa imprint. Kung nagbasa ka ng kahit isa sa mga libro ni Stephanie Meyer sigurado alam mo kung ano 'yan. Kung di mo naman nabasa at pinanood mo, ok din. Involuntary mechanism daw 'yang pagi-imprint kung saan tatatakan mo 'yung soul mate mo. Si Jacob ang nag-explain kay Bella kung ano ang imprinting at eto ang sabi niya:
"It's not like love at first sight, really. It's more like... gravity moves.... suddenly. It's not the earth holding you here anymore, she does.... You become whatever she needs you to be, whether that's a protector, or a lover, or a friend."
Lakas tama! Magic! Ikaw ba nakapag-imprint na? O ikaw ang na-imprintan? Iiwan ko ang tanong na 'yan para sa 'yo ngayong unang araw ng 2012.
It's the end of the world and we know it. LSS uli. Domino effect ng 2012. Sabi kasi sa Mayan Prophecy. Magugunaw daw ang mundo sa taong ito. May movie pa nga na nagawa based diyan na ang artista e si John Cusack. Naks, may special mention pa. Hindi na importante sa akin kung naniniwala ka diyan o hindi. Paki ko sa 'yo. Bahala ka sa buhay mo. Ang tanong ko lang, kung talagang magugunaw na ang mundo sa taong ito ready ka na ba?
100 Things To Do Before I Die. Bucket list. Meron ka ba nito? Ako wala eh. Do you think we should start thinking about it? Naks. Kala ko ba bawal mag-ingles? Kawawa naman ang mga gustong magbasa ng blog ko na Ingles lang ang alam na lenggwahe. Hmmmm... kailangan may English version? Hold that thought. Let me know people.
Famous line: My name is Harvey Milk and I am here to recruit you.
Gagamitin ko din 'yan. I will recruit you. Soon.
Abangan.